Bilyarista.com

​

....

4/13/2016

 
Pasakalye...

     Welcome po sa aming munting website na patuloy na nagbibigay sa inyo sa abot ng aming makakaya ang mga sari-saring interes sa larangan ng Sport na ito.    Katulad ng karamihan sa inyo, kami din ay may mga trabahong kailangan pasukan o di kaya'y kayo ay mga estudyante na naglalaro upang makatulong sa inyong focus sa pag-aaral (siya nawa!).  Kaya handog namin sa inyo ang website na ito.


     Ako po si Kaye aka SIKAYEAKO o di naman kaya'y tawagin niyo na lang akong Lola (Salamat sa kaibigan kong si Shrek et al, at tinawag akong Lola Mato o Lola Mats kaya eto tawag na sa kin ng karamihan eh Lola).  Ang inyong Lolo naman este ang asawa ko ay si Lei aka The Commissioner.


     Nagsimula kaming seryosong maglaro noong taong 2009, medyo naglakihan na ang mga anak at nagkaron na ng oras upang matutukan naman ang nais na maglaro na na-postpone sa tagal ng panahon.   Mahirap magsimula ulit lalo na pag galing sa wala haha.  Pero sa pagdaan ng panahon ay mas nagiging makulay at mahiwaga para sa aming mag-asawa ang sport na ito.  Yes, you guessed right!  husband and wife team kami at tunay naman itong nakatulong sa aming buhay dahil madalas hindi na ako naglalaba at nananalo ako sa pustahan namin hehe.  Kidding aside... 


     Ang mga pa-torneo namin ay simple lang ang adhikain.  Hindi kasi puwedeng puro praktis lang ang gagawin natin kahit nasa Amateur League lang tayo.  Kahit paano meron tayong pangarap sa Sport na ito.  Mahirap abutin ang tugatog ng tagumpay nila Efren "Bata" Reyes, Django Bustamante, Dennis Orcullo, etc.  PERO pwede naman na dahil sa paghanga natin sa galing ng ating mga Pro Players na ini-idolo, maramdaman at ma-experience natin maging "Pro Player"  sa isang laban na last rack sa decision na laban, at magamit ang kanto ng side pocket (pabandahin),  para i-pocket ang money ball sa corner.   ( -- credits to Efren "Bata" Reyes for that awesome shot.  See You Tube video below... )   Ilan lamang yan sa mga swerte na ating nakakamit at tunay na ikinatutuwa ng ating mga tira at itinataas ang ating kumpiyansa.  Masaya maglaro sa torneo.  Mahiwaga ang mga nangyayari.  Nandyan ang mga magagaling, ang mga Class A, etc., yun nga lang Class A din ang kabog.  Ang torneo ay para ma-gauge mo ang sarili mo.  Malaman mo kung ano na ang level ng tira mo at ano pa ang kailangan ma- improve.  Libre ang mangarap.    Kaya tara sali na sa Summer Weekly Tournament namin!  

​
Ang pagbuo ng Bilyarista.com Online Shop...

          Hindi talaga kami nagbebenta noon.  Nangyari ang lahat ng ito dahil mahilig ako bumili ng mga kailangan ko.  Ako siguro ang babae na hindi mahilig sa parlor, o shopping sa mall, etc.  Mahilig ako sa tako, mga billiard accessories, etc. etc.  Madami din kaming mga kaibigan.  Kaya madalas ang pasalubong na binibigay sa amin ay billiard related.  Tapos, ayun na.  Nakita ng mga kabilyar, bumili na rin ako ng extra para masubukan din naman nila.  Mula noon, palibhasa para na akong "Ate" or "Lola" ng mga kaibigan, ako na ang madalas tinatanong kaya pinanindigan ko na.  Umabot sa punto na nagbebenta na rin kami ng tako abroad.  Ngayon, Awa ng Diyos ay kahit paano, nakakakuha pa rin kami ng mga billiard items sa abot kayang halaga at maganda ang quality.  Ang dahilan namin ay, "Para lahat tayo ma-experience naman natin".  Hindi lingid sa ating kaalaman, hindi lahat kaya bumili ng mga mamahalin at madalas kailangan i-import pa.  Andyan ang mahal ng shipping at isama pa ang taripa ng customs.  Kaya talagang nagmamahal ang produkto.  Dahil na rin sa kagandahang loob ng mga kaibigan natin kung saan saan (hindi ko na po kayo babanggitin alam niyo na kung sino kayo, "daghan salamat sa inyong tanan"), malaki ang naitutulong nila para naman makabili at makagamit tayo ng maayos na equipment at accessories .   Maaari kayong mag-order sa amin ng OB Cues, Mezz Cues at ang taiwan made na Gino Ferrari at Czar Cues and last but not the least, pangalanan na lang natin siyang "San Chai" dahil sa paghanap niya ng mga cute na mga accessories para sa amin.  

     Dahil player din kami, na-experience na rin namin bumili ng higit sa budget na halaga ng equipment.  Kaya gumawa kami ng paraan para makahanap ng suppliers na makakapagbigay ng sakto sa budget na mga presyo.  Hindi naman kailangan maging expensive ang hobby, di ba?  Kaya pag swak sa amin ang presyo, sigurado swak din sa budget niyo.


Schedule ng meet-ups at paano bumili ...
​
     Dahil meron talaga kaming trabaho, medyo hirap lang kami talaga sa schedule lalo na pag may meet-ups.  Schedule namin graveyard kaya madalas sa gabi kami pwede makipag-meet up.  At dahil dito, nakisuyo kami sa kabutihang loob ni Kuya na may-ari ng Boss Tapa sa Timog, Quezon City, na makapagiwan kami ng stocks doon para sa mga players sa North ng NCR.  Pwede niyo ito puntahan mula 12 ng tanghali hanggang 3 ng madaling araw.  Dito naman sa South ng NCR, pwede sa MCS Superbowl sa Pasong Tamo Makati o kaya sked na lang kung pwede tayo magkita sa area ng Merville, Paranaque malapit sa Resorts World sa NAIA Terminal 3.    Ang pinakamadaling paraan ay ideposit niyo na lang ang bayad sa BDO o kaya remit na lang sa Cebuana Lhuiller, Palawan Express, LBC, Western Union, etc etc.  tapos i-LBC na lang namin sa inyo.  LBC ang shipping partner namin kasi malapit lang sa amin ito.  


     Maaari din ninyong gamitin ang inyong credit card sa pagbayad sa amin via Paypal.  Pag gusto niyo ng installment, maaari ninyong i-enroll ito sa credit card company ninyo tulad ng Citibank Paylite or BDO Installment, etc.  Tawagan niyo lang ang credit card company ninyo.

​
Pagwawakas... 

Sa pagwawakas nitong pasakalyeng ito, baunin niyo ang swerteng hatid ng inyong mga pangarap, tibay ng dibdib sa laban, solidong sargo at isama na ang magandang kalat ng bola, higit sa lahat,  ang masayang samahan nating mga bilyarista.  Mula sa aming munting tahanan dito sa Internet, Mabuhay tayong mga Bilyaristang Filipino! 
      


      



0 Comments
  • Home
  • Bilyarista.com Shop
  • News
  • BLU CAT VIP Bar
  • About us
  • Contact Us!
  • Home
  • Bilyarista.com Shop
  • News
  • BLU CAT VIP Bar
  • About us
  • Contact Us!